Shelf Life

Looking for Leigh-Cheri

Posted in Uncategorized by Shelf Life on October 6, 2009

Nabiktima rin ako ng pagpasok ng tubig sa aking kabahayan pero hindi dahil sa bagyong si Ondoy kundi dahil naiwang nakabukas ang gripo sa taas ng bahay at tumulo ito hanggang paliguan ang buong bahay na naglubog (kanya-kanyang alat lang talaga), nanlunod kay Leigh-Cheri.

stlMay katagalan na ring nakababad sa aklatan ang libro ni Tom Robbins na “Still Life with Woodpecker” at napagtripan ko itong basahin. Sobrang tagal na nga itong nakatengga at halos balutan na ng alikabok katabi ng mga Carlos Castaneda at Ken Wilber na nahihilo akong basahin hindi dahil sa hangover kundi talagang di kaya ng powers ko.

Kaya nung binuklat ko ay agad naman akong naaliw at ginanahan kung magpapaiskor ang bidang babae kay Ralph Nader na nakalaban na yata ng lahat ng naging presidente ng Amerika simula ng pinanganak ako.   

Ang galing ng pagkakalatag ng mga karakter ng istorya, Ang tatay ni Leigh-Cheri na dating hari ng isang bayan na na-exile dahil sa laos na ang pagiging hari o dahil “stand in the corner” siya ng CIA.  Kakatawa tatay niya kasi may pacemaker na kapag na-excite ay pumapalo ng malakas eh poker player pa naman siya.  Ermat naman niyang si Queen Tillie ay isang mahilig sa opera singing that reminded me of Madame Castafiore from the Tintin Comic series.

Pero si Leigh-Cheri ay isang liberal, environmentalist, na cheerleader na  kickout dahil sa pangalawang beses niyang pagpapalaglag ng bata. Interesting character…hhhmmmmm..Kaso nalunod nga kaya naghahahap ako ng magpapahiram sa akin ng kopya. Kahit arkilahin ko, isang Generoso kapalit ng pahiram.

Advertisements