Shelf Life

Gerilya

Posted in Uncategorized by Shelf Life on August 24, 2009

gerilyafrontcover Sa kaliwa ang paling ng litrato ng libro ni Norman Wilwayco na “Gerilya” sa blog na ito sapagkat kaliwa ang tono ng kuwento at kaliwa ang landas na tahak para sa tunay na kalayaan at demokrasya ng ating bayan.

Wala pa akong kopya ng libro na nagkakahalaga mula P180 – P230 depende sa tindahang nagtitinda pero halos patapos na akong basahin ito mula sa na download ko na kopya na pinamimigay ng libre sa mga interesadong basahin ito.

May mga ilang mga sipi na talagang nakakahalagpak dahil sa talim ng katotohanang ipinararating ng kuwento mula sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga personahe ng isyorya sa mga nagbabasa.

“Kami ang hari ng Angat Dam, motherfuckers!” Ngayon subukan ng kaaway na umatake nang maranasan naman niyang mapulbos sa mga bala ng galit na mamamayan. Bwahahahaha!!! (habang iniisip ng personahe na NPA ang tibay ng kanilang puwesto laban sa reaksiyunaryong AFP) Isa lamang iyan sa mga sipi na napailing ako at napangisi habang nakatingin sa akin ang kasamang guro at tinanong kung nahihibang daw ako.

Nasa ilang huling pahina na ako at talagang wasak nga itong libro ni Norman Wilwayco. Asteg!

3 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. anton bernardo said, on September 27, 2009 at 8:54 am

    san pd madwonload ang kopya?

  2. bookmongers said, on September 30, 2009 at 3:28 pm

    http://www.absurdrepublic.blogspot.com

    kuha dre?

  3. iwa said, on October 16, 2009 at 12:39 pm

    salamat sa oras dre. wasak!


Leave a comment